Wikang Filipino: Pagkakakilanlan ng bawat Pilipino
Huwebes, Pebrero 8, 2018
Wikang Filipino: Pagkakakilanlan ng bawat Pilipino
Wikang Filipino: Pagkakakilanlan ng bawat Pilipino
"Wikang Filipino ay ating mahalin
Ito ang sagisag nitong bansa natin
Binubuklod nito ang damdamin
Ang ating isipan at mga layunin."
Wikang Filipino ay maitutulad
Sa agos ng tubig na mula sa dagat
Kahiman at ito'y sagkahan ng tabak
Pilit maglalagos,hahanap ng butas"
Wika ang nag- uugnay sa mga tao upang magka- intindihan.Ngunit dahil sa pagiging moderno ng bansa pati sariling wika ay unti-unting ng nagbabago.Dahil tayong mga Pilipino at mahilig sa patok o uso.Pag bati ng "Magandang araw" o "Kamusta" ay malimit ng marinig dahil salitang oppa,ola,konichiwa,annyeong ang ginagamit ng iilan upang bumati.Sana sa pagiging moderno ng ating bansa.Huwag nating hayaan na pati sariling wika ay makalimutan dahil ito ang nag-sisilbi pag-kakakilanlan bilang isang Pilipino.Gamitin natin ang pagiging moderno upang mapa-unlad ang bansa nating minamahal.
Bilang Pilipino sana huwag nating kalimutan ang wikang kinagisnan pahalagahan natin ang wikang ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno.Patuloy lamang natin itong gamitin at pag yabungin sa magandang adhikain para lalong maipa-kilala at mapa-unlad ang ating bansa.
AGUILA,Carmela Joy M.
Grade 12-ATHENA ABM
Manila Tytana Colleges
Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)