Huwebes, Pebrero 8, 2018

Wikang Filipino: Pagkakakilanlan ng bawat Pilipino


           Wikang Filipino: Pagkakakilanlan ng bawat Pilipino

    
          "Wikang Filipino ay ating mahalin
            Ito ang sagisag nitong bansa natin
            Binubuklod nito ang damdamin
             Ang ating isipan at mga layunin."
           
              Wikang Filipino ay maitutulad
            Sa agos ng tubig na mula sa dagat
             Kahiman at ito'y sagkahan ng tabak
           Pilit maglalagos,hahanap ng butas"

 
Wika ang nag- uugnay sa mga tao upang magka- intindihan.Ngunit dahil sa pagiging moderno ng bansa pati sariling wika  ay unti-unting ng  nagbabago.Dahil tayong mga Pilipino at mahilig sa patok o uso.Pag bati ng "Magandang araw" o "Kamusta" ay malimit ng marinig  dahil  salitang oppa,ola,konichiwa,annyeong  ang ginagamit ng iilan upang bumati.Sana sa pagiging moderno ng ating bansa.Huwag nating hayaan na pati sariling wika ay makalimutan dahil ito ang nag-sisilbi pag-kakakilanlan bilang isang  Pilipino.Gamitin natin ang pagiging moderno upang mapa-unlad ang bansa nating minamahal.

   Bilang Pilipino sana huwag nating kalimutan ang wikang kinagisnan pahalagahan natin ang wikang ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno.Patuloy lamang natin itong gamitin at pag yabungin sa magandang adhikain para lalong maipa-kilala at mapa-unlad ang ating bansa.


 AGUILA,Carmela Joy M.
 Grade 12-ATHENA ABM
 Manila Tytana Colleges
 Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento